Dela Rosa, nanumpa na bilang bagong hepe ng BuCor

Nanumpa na si dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald dela Rosa bilang bagong direktor ng Bureau of Corrections.

Isinagawa ang panunumpa ni Dela Rosa sa Department of Justice sa harap ni Secretary Menardo Guevarra.

Muling iginiit ni Dela Rosa na ipagpapatuloy niya ang laban kontra iligal na droga.

Aniya, kinakailangang malinis niya ang BuCor at magbibitiw siya sa pwesto kapag hindi niya nagawa ito. Sa kabila nito, tiwala si Dela Rosa na kakayanin niya ito at hindi siya susuko.

 

Read more...