Sereno, pinatalsik ng Korte Suprema

Napagdesisyunan na ng Korte Suprema ang quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa botong 8-6, pinaboran ng mga mahistrado ang pagpapatalsik sa Punong Mahistrado.

Bumoto pabor sa quo warranto petition sina Justices Noel Tijam, Teresita De Castro, Diosdado Peralta, Francis Jardeleza, Samuel Martires, Andres Reyes Jr., Lucas Bersamin, at , Alexander Gesmundo.

Kinontra naman nina Justices Antonio Carpio, Presbitero Velasco Jr., Marvic Leonen, Estela Perlas-Bernabe, Mariano Del Castillo, and Alfredo Benjamin Caguioa ang quo warranto petition.

Si Tijam ang lumagda sa desisyon ng mga mahistrado.

Isinampa ni Solicitor General Jose Calida ang quo warranto petition laban kay Sereno dahil sa kulang na statements of assets, liabilities, and networth (SALN) na isinumite sa Judicial and Bar Council na requirement sa posisyon ng punong mahistrado.

 

Read more...