Mekaniko, patay sa shootout sa Cavite City

Google Maps

Patay ang isang mekaniko sa shootout sa pulisya sa Cavite City kaninang umaga.

Ayon kay Supt. Giovannie Martinez, hepe ng Cavite City police, pinagbantaan ni Arnold Reyes ang kanyang live-in partner na si Amilet Pagaduan sa sa hindi malaman na dahilan.

Inireklamo ni Pagaduan sa pulisya si Reyes, at agad na rumesponde ang mga pulis.

Natunton ng mga otoridad si Reyes, ngunit habang nilalapitan nila ito, pinaputukan ng suspek ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga otoridad. Tinamaan ang suspek at isinugod sa ospital ngunit namatay habang nasa byahe.

Narekober kay Reyes ang isa kalibre .45 na pistol. /

 

Read more...