Sunog sumiklab sa isang residential area sa Mandaluyong

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Mandaluyong City.

Nagsimula ang sunog pasado alas 4:00 ng madaling araw sa Pinatubo Street, Barangay Ilaya.

Alas 5:12 ng umaga nang itaas ang sunog sa ikalawang alarma. Alas 5:49 naman ng umaga nang ideklarang under control na ang sunog.

Inaalam pa ng Mandaluyong City fire department kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...