Kapalaran ni Chief Justice maria Lourdes Sereno, pagbobotahan ng en banc ngayong araw

Inquirer Photo | Grig Montegrande

Isasagawa mamayang alas 10:00 ng umaga ang special en banc session ng Korte Suprema.

Sa nasabing sesyon inaasahang pagbobotahan ng mga mahistrado ang quo warranto petition na inihain laban kay Sereno.

Una nang sinabi ng kampo ni Sereno na siya ang magpe-preside ng naturang en banc session.

Gayunman, hindi umano siya makikilahok sa deliberasyon sa quo warranto petition.

Samantala, nag-abiso naman ang bar confidant ng Korte Suprema na hindi muna sila mag-iisyu ng clearance ngayong araw para sa mga bar passers.

Ito ay dahil sa masikip na traffic at mga pagkilos na magaganap ngayong araw sa palibot ng Padre Faura.

At dahil holiday sa Lunes, May 14 na araw ng eleksyon, sa Martes na muli May 15 ang paglalabas ng clearance sa mga bar passers.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...