Pope Francis nagtalaga ng bagong obispo sa Diocese of San Fernando sa La Union

Itinalaga ni Pope Francis ang isang pari mula sa Diocese of Iba sa Zambales bilang bagong obispo ng Diocese of San Fernando sa La Union.

Uupo bilang ikaanim na obispo ng diyosesis si Fr. Daniel Presto na papalit kay Bishop Rodolfo Beltran na pumanaw na noong nakaraang taon.

Ipinanganak si Presto sa Mangaldan, Pangasinan noong 1963.

Naordinahan siyang pari ng Diocese of Iba noong 1990 sa Edad na 27.

Bago maitalagang obispo ay nanilbihan bilang administrator ng Diocese of IBa si Presto matapos pangalanan ang si Forentino Lavarias bilang bagong arsobispo ng Archdiocese of San Fernando sa Pampanga noong 2014.

Read more...