Lalaki napatay sa buy bust operation sa Bulacan

Contributed Photo

Dead on the spot ang isang drug suspek matapos itong manlaban sa pulis sa Barangay Santor sa lungsod ng Malolos, Bulacan.

Kinilala ang lalaki na si Dennis Pagar na residente sa lugar.

Ayon sa Malolos City Police Station, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang magsagawa sila ng buy bust operation laban kay Pagar.

Matapos ang transaksyon at akmang aarestuhin na ng mga pulis ang suspek ay nagtangkang tumakas si Pagar at pinaputukan pa ang mga otoridad.

Dahilan ito upang magpaputok rin ang mga otoridad, na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Narekober mula sa suspek ang isang improvised shotgun at 14 na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P10,000.

Read more...