Dahil sa paggastos ng gobyerno, tumaas ng 6.8% ang GDP sa first quarter ng taon pero mas mababa ito sa 7 hanggang 8% na target ng mga economic managers ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magandang balita ang economic growth dahil mas mabilis ito sa 6.5% na GDP growth sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Positibo ang pamahalaan na magpapatuloy ang economic momentum dahil sa mas mataas na koleksyon ng buwis at mas malaking gastos sa imprastratura.
Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na dapat ay naabot ang target na 7 hanggang 8% kung hindi sa pagsipa ng inflation sa unang kwarter ng taon.