Bukidnon niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Bukidnon kaninang alas-2:26 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng pagyanig sa layong 17 kilometro sa Silangan ng bayan ng Pangantucan.

May lalim itong isang kilometro at tectonic ang dahilan.

Wala namang inaasahang mga kasunod na pagyanig at pagkasira sa mga ari-arian.

Read more...