Lebanese na suspek sa pagpatay kay Joana Demafelis hindi na i-extradite sa Kuwait

INQUIRER.net file photo

Hindi na ii-extradite ng gobyerno ng Kuwait ang Lebanese na suspek sa pagpatay at paglagay sa freezer sa overseas Filipino worker (OFW) na si Joana Demafelis.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakakulong na ngayon sa Lebanon ang suspek na si Nader Essam Assaf.

Sinabi pa ni Roque na sa Lebanon na lilitisin si Assaf na ngayon ay nahaharap sa kasong murder.

Bukod kay Assaf, nahaharap din sa parehong kaso ang kanyang asawang Syrian na si Mona Hassoun.

Tiniyak naman ni Roque na tututukan ng Pilipinas at Kuwait ang kaso sa Lebanon.

Matatandaang nagpatupad ng deployment ban para sa mga OFW sa Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte matapos matagpuan ang bangkay ni Demafelis sa freezer.

Read more...