6 na nasa narco-list ng PDEA umatras sa barangay election

Umatras sa pagtabkbo sa barangay at Sangguniang Kabataang (SK) elections ang anim na kandidato sa Cagayan na kabilang sa drug list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa Tuao Police, nag-withdraw ng kanilang kandidatura ang anim sa pitong lalaban sana sa May 14 elections dahil sa kanilang pagkasama sa narco-list ng PDEA.

Ito ay bilang pagsunod na rin sa pakiusap ni Cagayan Police Provincial Director Senior Superintendent Warren Gaspar Tolito.

Pero nabatid na isa pang kandidato na nasa listahan ang hindi pa rin umaatras pero hindi na nagpapakita sa bayan ng Tuao.

Pinapaatras na rin ni Tolito ang nasa 189 pa na kandidato sa lalawigan na sa PDEA drug list para wala nang kandidato na sangkot sa iligal na droga.

Nais ng provincial director na ayusin muna ng mga kandidato ang kanilang buhay bago magsilbi sa barangay at sa SK.

Read more...