4 arestado sa buy bust operation sa Quezon City

Arestado ang apat na drug suspects matapos magkasa ng buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay Kaunlaran, sa Cubao, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Von Erick Sarmiento, Liza Hilario, John Mark Mirabuna, at Jonalyn Dela Peña.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Station 7 chief, Superintendent Louise Tremor, dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng pamahalaan sina Sarmiento at Hilario ngunit bumalik lamang sila sa pagtutulak ng iligal na droga.

Narekober mula sa mga ito ang 15 maliliit na plastic sachet na naglalaman ng shabu, dalawang medium size na sachet na naglalaman din ng shabu, at buy bust money.

Mahaharap ang apat na mga suspek, na kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng QCPD Station 7, sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...