Ekonomiya ng bansa lumago sa 6.8% sa unang quarter ng taon

Inquirer Business

Nakapagtala ng 6.8 percent na paglago sa gross domestic product sa unang quarter ng taong 2018.

Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), ito na ang ikatlong sunod na nakapagtala ng lagpas sa 6.5 percent na paglago sa ekonomiya ng bansa.

Ang services sector ang may pinakamalaking ambag sa 1st quarter GDP growth na 4 percent, sinundan sektor ng industriya na 2.7 percent.

Aminado naman si NEDA Director General Ernesto Pernia na nakaapekto ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto sa paglago ng ekonomiya.

Kung hindi aniya nagkaroon ng high inflation sa simula ng taon, dapat ay umabot sa 7 hanggang 8 percent ang GDP growth.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...