PDEA gagamit na ng drone sa anti-drug operations

Kuha ni Jong Manlapaz

Gagamit na rin ang PDEA ng drone para mapalakas pa ang mga drug operation nito.

Nasa dalawampung units ng Mavic Pro na drone ang binili ng PDEA para ipamahagi sa mga operating unit nito na nagkakahalaga ng P100,000 pesos bawat isa.

Kasabay na binili ng PDEA ang 100 units na body camera, 86 units ng digital forensic equipment, at 166 na handheld radios.

Isinailalim din sa seminar ang mga PDEA personel para matutuong magpalipad ng drone.

Ang seminar sa mga PDEA agent ay pinangunahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines, kung kaya ang PDEA ang kauna-unahang National Government Agency na naisyuha ng CAAP certified drone controllers.

Ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, mapapalakas ng mga bagong kagamitan ang kakayanan ng PDEA sa mga drug operation, lalo na ang PDEA ang frontliner sa war on drugs.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...