Iron man suit na ginamit ni Robert Downey Jr., ninakaw

AP Photo

Nawawala ang Iron Man suit na ginamit ni Robert Downey Jr., sa Iron Man movie nito.

Sa ulat ng Los Angeles police, ang Iron Man suit na ang kulay ay kombinasyong gold at red ang nawawala.

Sa tansa ng mga otoridad, posibleng nawala ang suit sa storage facility sa pagitang ng Pebrero at April 25 ngayong taon.

Nakatago ang suit sa storage warehouse sa Pacoima sa Los Angeles.

Nasa $325,000 ang halaga ng nasabing suit o katumbas ng mahigit P16 million sa Pilipinas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...