Tatlong American detainees sa North Korea pinalaya na

Pumayag si North Korean leader Kim Jong Un sa hiling ng Estados Unidos na palayain ang tatlong bilanggo na American nationals.

Binigyan ng amenstiya ni Kim ang tatlo ayon sa ulat ng North Korea state media na KCNA.

Ang pagpapalaya ng tatlo ay matapos ang napaulat na pakikipagpulong ni US Secretary of State Mike Pompeo kay Kim.

Ani Pompeo, nagpahayag naman ng labis na pasasalamat ang tatlong bilanggo makaraan silang makalaya.

Si Pompeo ay nagtungo sa NoKor para isapinal ang nakatakdang summit sa pagitan nina Trump at Kim.

Sa pagbalik ni Pompeo sa Amerika ay isinabay na niya sa eroplano pauwi ang tatlong pinalayang bilanggo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...