Change of status ng San Beda University, sinaksihan ni Pangulong Duterte

Personal na sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalit ng San Beda College bilang San Beda University.

Mismong si Commission on Education officer in charge Prospero De Vera ang nagturn-over ng certificate of university status kay San Beda University chairman Father Aloysius Maranan na ginanap kahapon (Miyerkules, May 9) sa Malakanyang.

February 6, 2018 nang mag-apply ang San beda sa CHED na maging university.

Inaprubahan ito ng CHED matapos makamit ng San Beda ang mga itinakdang requirements para masiguro ang mataas na kaalidad ng pagbibigay ng edukasyon.

Nagsimula ang San Beda University noong 1901 sa pamamagitan ng Benedictine monks.

Si Pangulong Duterte ang isa sa mga alumnus ng San Beda College of Law.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...