Maynilad may water service interruption sa Muntinlupa at Malabon

May labinglimang oras na water interruption sa bahagi ng Alabang sa Muntinlupa City ngayong araw dahil sa nasirang pipeline ng Maynilad sa bahagi ng Alabang Town Center.

Ayon sa abiso ng Maynilad, magsasagawa sila ng pipeline breakage repair sana dahilan ng water interruption sa kahabaan ng Commerce Avenue sa likod ng Alabang Town Center sa Muntinlupa.

Nagsimula na ang interruption alas 4:00 ng madaling araw ng Huwebes at tatagal ito hanggang alas 7:00 ng gabi.

Samantala, magkakaroon din ng water interruption sa dalawang barangay sa Malabon.

Magsisimula ang service interruption alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng umaga bukas at apektado ang barangay Acacia at Barangay Concepcion.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...