Batanes at Babuyan Grp. of Islands, uulanin ngayong araw

Uulanin ngayong araw ang lalawigan ng Batanes kabilang ang Babuyan Group of Islands dahil sa umiiral na frontal system.

Ayon sa PAGASA, ang naturang weather system ay magdudulot ng maulap na papawirin sa nasabing mga lugar at kalat-kalat na pag-ulan.

Maaring makaranas ang Batanes at Babuyan Group of Islands ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan na mayroong malakas na hangin.

Samantala, easterlies naman ang nakaaapekto sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa na magdudulot lang ng isolated na mga pag-ulan sa hapon o gabi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...