Antas ng tubig sa La Mesa Dam, nasa kritikal na

Umabot na sa critical level ang tubig sa La Mesa Dam matapos itong sumadsad sa 72 meters.

Bunsod nito, namemeligrong mawalan ng suplay ang libu-libong customers ng Manila Water partikular sa Silangan ng Metro Manila.

Ayon sa Manila Water, mas mataas ang demand sa tubig ngayon kaysa sa alokasyong nakukuha bunsod ng mas mataas na temperatura, mas maraming tao at mas maraming establisyimentong gumagamit ng tubig.

Ipinatupad na ang mas mahinang pressure ng tubig mula gabi hanggang madaling araw bunsod ng mababang lebel ng tubig sa dam.

Sakaling dumausdos pa ito sa 69 meters, maaaring magsara na ang East La Mesa Treatment Plant na makakaapekto sa suplay ng tubig sa lungsod ng Marikina at mga bayan ng San Mateo at Rodriguez sa Rizal.

May posibilidad din na maapektuhan ang mga customers ng Manila Water sa Pasig at Taguig.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...