Paris climate change agreement malaking kalokohan kung hindi susunod ang mayayamang bansa – Duterte

Magmimistulang isang malaking kalokohan lang Paris climate change agreement kung hindi naman tatalima dito ang mga mayayaman at industrialized na bansa.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, patuloy na mararamdaman at titindi ang epekto ng climate change sa mundo dahil mismong ang mga bansang signatories ng Paris Agreement on Climate Change ay hindi naman sumusunod sa kasunduan.

Partikular na tinukoy ng pangulo ang mayayamang bansa na matagal na panahon nang industrialized.

Tinawag pa ng pangulo na ipokrito ang mga bansang pumirma sa kasunduan pero hindi naman magawang sundin ang nilalaman nito ng buong puso.

Kung magpapatuloy ayon sa pangulo na ganito ang sitwasyon, maituturing na isang malaking kalokohan lang ang kasunduan.

Magugunitang noong March 2017, lumagda si Pangulong Duterte sa Paris Agreement on Climate Change na layong mabawasan ang greenhouse gas emissions at maaawat ang patuloy na pagtaas ng global temperature.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...