Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang apela ni Zaldy Ampatuan na payagan siyang makapagpiyansa.
Ito ay matapos tanggihan ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang bail plea ng dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at isa sa mga suspek sa Maguindanao massacre noong 2009.
Sa ruling ng Special Eighth Division ng CA noong April 18, ibinasura nito ang kahilingan ni Ampatuan na pawalang-bisa ang order ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng QC RTC Branch 221 na nagbabawal dito na makapagpiyansa para sa 58 counts ng murder.
Ayon sa CA, matibay ang mga ebidensyang nagtuturo kay Ampatuan bilang suspek sa pagkamatay ng 58 tao, kabilang ang 32 kawani ng media, kaya naman hindi nila ito pinayagang makapagpiyansa.
MOST READ
LATEST STORIES