Binalaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Pilipinong gustong mangibang-bansa tungkol sa mushroom-picking job sa Canada.
Ayon sa DOLE, walang job order tungkol sa naturang trabaho, at hindi pa rin nakakapaglabas ng accreditation ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa kahit na sinong recruiter na nag-o-offer ng mushroom-picking job.
Ayon naman sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Canada, minimum wage lamang ang ibinabayad sa mushroom pickers sa Ontario at iba pang lalawigan sa Canada.
Dagdag pa ng POLO, masyadong malaki ang sinasabing P150,000 hanggang P180,000 pasweldo para sa naturang trabaho.
Sa ngayon din ay prayoridad ng pamahalaan ng Canada na kumuha ng mga trabahador at empleyado na mula mismo sa kanilang bansa.