Meralco tinalo ang San Miguel Beer sa PBA Commissioner’s Cup

Wagi ang Mealco Bolts kontra San Miguel Beermen sa kanilang naging tapatan para sa 2018 PBA Commissioner’s Cup na ginanap kagabi sa Mall of Asia Arena.

Natapos ang laro sa iskor na 93-85, pabor sa Bolts.

Ayon sa coach ng Meralco na si Norman Black, malaking tagumpay para sa alinmang koponan ang matalo ang San Miguel.

Bagaman lahat ng mata ay nakatutok sa bagong miyembro ng Beermen na si Christian Standhardinger, si Baser Amer ang kumuha sa limelight matapos nitong magbigay ng 28 puntos, bukod pa sa 8 rebounds at 3 assists.

Sinundan siya ni Chris Newsome sa pamamagitan naman ng kanyang 23 points.

Samantala, para sa San Miguel, si Troy Gillenwater ang nanguna sa kanyang 19. baskets. Habang 4 points lamang ang naibigay ni Standgardinger.

Read more...