Tunay na kapangyarihan ni Pang. Duterte, galing sa mga Pinoy –Malacañan

Nanindigan ang Palasyo ng Malacañan na galing sa mga Pilipino ang tunay na kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng Palasyo sa pagkakasama sa pangalan ng pangulo sa Forbes magazine bilang ika-69 na pinakamapangyarihang tao sa buong mundo sa taong 2018.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, maraming beses nang sinabi at kinikilala ni Pangulong Duterte na ang tunay na pinagmumulan ng kapangyarihan ng gobyerno ay ang mamamayan.

“President Rodrigo Roa Duterte has many times acknowledged that the true source of power is the people,” ani Roque.

Sinabi ni Roque na sa halos dalawang taong panunungkulan ng adminsitrasyong Duterte ay nagsilbi ang pangulo sa mamamayan sa pamamagitan ng pagsusulong ng interes ng mga Pilipino.

“As Chief Executive for almost two years, he has faithfully served our people by promoting the interests of the Filipino people and the Filipino nation first,” dagdag pa ni Roque.

Ibinida ni Roque ang ilan lamang sa mga nagawa ng adminsitrasyon tulad ng anti-drug war, pagkakaroon ng independent foreign policy, mga pro-poor policies ng administrasyon, at iba pang programa na magpapagaan ng buhay ng mga Pilipino.

“The anti-drug war, the pursuit of an independent foreign policy, the pro-poor policies and programs of the Duterte administration among others are reflective of the current government’s advancing the welfare of the greatest number of our countrymen,” pagbibida pa ni Roque.

Binigyang diin ni Roque na naniniwala si Pangulong Duterte na ang presidency ay nagmumula at natatapos sa tiwala ng publiko na siyang pinagmumulan ng kapangyarihan nito.

“The Presidency, in the mind of PRRD, begins and ends with public trust where real power emanates,” ayon pa kay Roque.

 

Read more...