Ai-Ai delas Alas sinurpresa si Jiro Manio para sa kanyang kaarawan

Ai-Ai delas Alas Instagram

Ilang taon man ang nakalipas simula nang magkasama sina Ai-Ai delas Alas at Jiro Manio sa pelikulang Tanging Ina, ay itinuturing pa rin ng aktres si Jiro bilang kanyan anak.

Kaya naman nang sumapit ang ika-26 na kaarawan nito ay hindi napigilan ni Ai-Ai na sorpresahin ang anak-anakan.

Sa isang Instagram post ng komendyante ay ibinahagi nito ang video kung saan makikitang dinalhan niya ng birthday cake si Jiro, kasabay ng pagkanta dito para sa kanyang kaarawan.

Sa caption ng post, tinawag ni Ai-Ai si Jiro bilang kanyang anak sa pelikula at sa totoong buhay.

Ayon pa dito, wish niya para sa aktor na makabalik na sa showbiz at magpatuloy pa ang pagbabago sa kanyang buhay.

Ikinatuwa naman ng mga netizen ang naturang effort ng komedyante. Ayon sa mga ito, maswerte si Jiro dahil nakilala niya ang katulad ni Ai-Ai na patuloy na nagmamahal sa kanya.

Read more...