Pangulong Duterte napasama muli sa World’s Most Powerful list ng Forbes Magazine

Nasa pang-69 na pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng World’s Most Powerful People na inilabas ng Forbes Magazine.

Nasa 75 pinaka maimpluwensyang tao sa buong mundo ang napasama sa listahan at mula sa pang-70 noong nakaraang taon ay umangat ng isa ang pwesto ng pangulo.

Sa maiksing report ng Forbes kay pangulong Duterte, binanggit ang war on drugs nito at inilarawan siya bilang “raw and vulgar”.

Nasa number 1 spot ng 2018 World’s Most Powerful People si President Xi Jinping ng China, pumangalawa si Russian President Vladimir Putin, ikatlo si US President Donald Trump, pang-apat si German Chancellor Angela Merkel, at panglima si Amazon CEO Jeff Bezos.

Kasama sa top ten sina Pope Francis, ang philanthropist na si Bill Gates, Saudi Arabia Crown Prince Mohammed bin Salman Al Saud, si Narendra Modi ng India, at si Larry Page ng Google.

Ayon sa Forbes, ito ang unang pagkakataon na nasa number 1 spot si Xi Jinping at naungusan si Putin na apat na taong magkakasunod na nangunguna sa listahan.

Lalabas ang istorya ng 2018 World’s Most Powerful People sa May 31, 2018 issue ng Forbes magazine.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...