DFA may bagong consular office sa Ilocos Norte

DFA Photo

May bagong bukas na consular office ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Ilocos Norte.

Ayon sa DFA, maari nang magamit ng publiko ang bagong consular office sa bayan ng loob ng Robinson’s Place sa San Nicolas, Ilocos Norte para sa pagproseso ng kanilang pasaporte.

Pormal na pinasiyahaan ang consular office noong Martes sa pangunguna DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Frank Cimafranca.

Inaasahang maseserbisyuhan nito ang mga residente sa mga lalawigan sa Ilocos Region.

Tiniyak ng DFA na magpapatuloy ang pagbubukas nila ng mga bagong consular office para matugunan na ang backlog sa pasaporte.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...