Nagtakda na ang panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ng preliminary investigation sa mga reklamong kriminal na inihain ng ilan sa mga kaanak ng mga namatay na batang naturukan ng Dengvaxia.
Sa subpoena na inisyu ng lupon, itinakda ang unang araw ng pagdinig sa May 15, 2018.
Kasama sa mga ipinatatawag ang mga complainant na kinakatawan ng Public Attorneys Office (PAO), gayundin ang mga respondent na kinabibilangan nina Dating Health Secretary Janet Garin, kasalukuyang Health Secretary Francisco Duque, mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH, pati na mga opisyal ng Zuellig Pharma Corporation at Sanofi Pasteurs.
Ang mga respondent ay nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide, torture resulting in the death of any person, at torture committed against children na paglabag sa Republic Act 9745.
Ayon sa PAO, ang mga namatay ay dumanas ng multiple organ failure at brain hemorrhage.