Ito ay bunsod ng umiiral pa ring ridge of high pressure area (HPA) sa Northern Luzon habang nakakaapekto naman sa nalalabing bahagi ng bansa ang easterlies.
Kahapon, naitala ang pinakamataas na temperatura sa Tuguegarao City sa 37.7 degrees Celsius.
37.6 degrees Celsius naman ang naitala sa Cabanatuan City at 36.7 degrees Celsius sa Ambulong, Batangas.
Naitala naman ang pinakamataas na heat index kahapon sa Calapan City, Oriental Mindoro sa 48.4 degrees Celsius; habang ang heat index na naitala sa Surigao City ay umabot sa 45.9 degrees Celsius at kapwa nakapagtala ng 44.3 degrees Celsius ang Cabanatuan City at Sangley Point sa Cavite.