Bumisita sa China si North Korean leader Kim Jong Un at nakipagkita kay President Xi Jinping ayon sa ulat ng kani-kanilang state media.
Ang pagkikita ng dalawang lider ay naganap Lunes at Martes sa coastal city na Dalian na inanunsyo nang matapos na ang pulong.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagkita ang dalawang lider sa loob lamang ng dalawang buwan.
Sa pulong nina Kim at Xi, tiniyak umano ng North Korean leader na mananatili ang posisyon niya hinggil sa denuclearization.
Kasama ni Kim sa kanilang pagtungo sa China ang kaniyang kapatid na si Kim Yo Jong.
Samantala noong Martes, nagkaroon din ng pag-uusap sa telepono sa pagitan ni Kim at US President Donald Trump.
Kabilang sa pinag-usapan nila ay ang mga development sa Korean peninsula.