Lalaki patay sa buybust operation sa Cavite

Napatay ang isang lalaki, habang arestado naman ang kasama nitong babae matapos mauwi sa palitan ng putok ang ikinasang drug buy bust operation ng Kawit Municipal Police sa Barangay Samala-Marquez.

Kinilala ang napatay na suspek na si Jervie Garcia, habang ang arestado namang suspek ay si Crisalyn Plandez.

Ayon sa mga otoridad, natunugan ni Garcia na pulis pala ang katransaksyon, dahilan upang bumunot ito ng baril at paputukan ang mga pulis.

Kaya naman gumanti rin ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

Sa ngayon ay nakapiit sa Kawit Custodial Facility si Plandez.

Narekober mula sa dalawang suspek ang isang piraso ng medium-sized sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P500.

Samantala, sugatan naman ang isa pang drug suspek matapos subukang manlaban sa mga otoridad sa Bacoor, Cavite naman.

Nakilala ang suspek na si Mark Joseph Albarillo na nagtamo ng tama ng bala sa braso matapos gumanti ng putok ang mga otoridad.

Ayon sa mga pulis, nagkataon na hindi pumutok ang baril na gamit ni Albarillo.

Narekober mula sa suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu, at isang kalibre 38 baril na kargado ng apat na bala.

Kapwa mahaharap si Albarillo at Plandez sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...