Pangulong Duterte pumalag sa label na ‘strong man’

Time Magazine cover

Umangal si Pangulong Rodrigo Duterte sa Time magazine kung saan nakahilera ang kanyang mukha sa iba pang world leaders bilang strong man.

Apela ng pangulo sa publiko, huwag maniwala sa Time magazine dahil gusto lang daw nitong makabenta.

Sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga promoted na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), pumapalag din ang pangulo sa tawag na strong man dahil hindi naman siya naging diktador.

Wala naman aniyang isang pagkakataon na mayroon siyang ipinakulong na isang tao dahil lamang sa mga pambabatikos sa kanya.

Hindi rin nagustuan ng pangulo ang picture ng kanyang mukha sa Time magazine dahil mistula umano silang mga monster.

Read more...