UP tinalo ang Gilas Pilipinas sa Chooks-to-Go FilOil Flying V Preseason Cup

Wagi ang koponan ng University of the Philippines (UP) kontra Gilas Pilipinas sa kanilang naganap na tapatan para sa 2018 Chooks-to-Go Filoil Flying V Preseason Cup na ginanap sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Natapos ang laro sa iskor na 78-72 pabor sa UP Fighting Maroons.

Ayon sa proud coach ng koponan na si Bo Perasol, lagi nilang babalikan ang laro dahil natalo nila ang national team ng Pilipinas.

Aniya, itatatak ng Fighting Maroons ang naturang pagkapanalo kapag sila ay haharap naman sa iba pang mga koponan.

Dagdag pa nito, ipagpapatuloy lamang ng Fighting Maroons ang magandang laro para maiuwi ang kampeonato.

Nanguna para sa UP sina Juan Gomez de Liaño at Jun Manzo matapos nilang kapwa magbigay ng 22 puntos.

Samantala, para sa Gilas Pilipinas, si Arvin Tolentino ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 14 points.

Read more...