Alice Dixson at Aga Muhlach muling magtatambal sa pelikula

Alice Dixson Instagram

Nagsimula na ang shooting para sa reunion movie nina Alice Dixson at Aga Muhlach.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram account ay inanunsyo ng dalawang aktor na nasa Greenland sila para sa isang pelikula.

Hindi pa ipinagbigay alam ng dalawa kung ano ang pamagat ng pelikula o kung ano ang tema nito.

Ngunit ipinaalam naman ni Alice ang pangalan ng kanyang karakter na Elaisa Svendsen, habang gaganapan naman ni Aga ang karakter ni Mark Alvarez.

Unang nang nagkasama ang dalawa para sa pelikulang “Hot Summer” noong 1989 at sinundan pa ito ng “Sinungaling Mong Puso” noong 1992.

Read more...