Agusan del Sur at Occidental Mindoro, niyanig ng lindol

Niyanig ng halos magkasunod na lindol ang Agusan del Sur at Occidental Mindoro kaninang madaling araw.

Ala 1:07 ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong walong kilometro sa Kanluran ng Loreto.

May lalim itong 43 kilometro.

 

Makalipas naman ang isang minuto o ala 1:08, naganap ang magnitude 3.4 na lindol sa Occidental Mindoro.

Naitala ang episentro ng pagyanig sa layong 24 kilometro sa bayan ng Looc.

May lalim naman itong 41 kilometro.

Pawang tectonic ang dahilan ng mga pagyanig.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahan ang mga pagkasira sa ari-arian at mga aftershocks.

Read more...