Pangulong Duterte nalulungkot sa pagsibak ng mga malalapit sa kanyang sangkot sa kurapsyon

Hindi direktang tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbitiw na Department of Tourism (DOT) Secretary na si Wanda Teo sa pagiit nito ng kampanya ng kanyang administrasyon laban sa katiwalian.

Sa gitna ito ng pagkwestyun ng Commission on Audit (COA) sa P60 milyong advertisement contract na pinasok ng DOT sa Bitag Media outfit na pag-aari ng kanyang mga kapatid na sina Ben at Erwin Tulfo.

Sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga promoted na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang binanggit ng pangulo ay ang tungkol sa mga nagkumbinsi sa kanya noon na sumabak sa presidential race.

Ayon sa pangulo, masakit para sa kanya dahil ang mga malalapit na tao pa na panay ang udyok sa kanya noon na tumakbong pangulo ang kanya pang nasisibak sa puwesto dahil sa isyu ng korupsyon.

Read more...