Duterte may napili nang bagong DOT secretary

FB photo

May napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong kalihim ng Department of Tourism.

Sinabi ng source ng Radyo Inquirer na itinalaga ng pangulo sa binakanteng posisyon ni dating Tourism Sec. Wanda Teo si Agriculture Usec. Bernadette Romulo-Puyat.

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Malacañang sa bagong appointment ni Puyat.

Kabilang si Puyat sa ilang mga opisyal na madalas kasama sa pag-iikot sa mga lalawigan ng pangulo.

Kaninang hapon ay tinanggap ng pangulo ang pagbibitiw sa pwesto ni Teo makaraan ang kontrobersiya na hatid ng P60 Million ads placement sa programa ng kanyang mga kapatid sa PTV4.

Bukas inaasahang magbibigay ng pahayag ang Malacañang hingil sa paghirang sa nasabing bagong miyembro ng gabinete. / Den

Read more...