Isang pulis at isang teacher, patay sa Caloocan

Isang babae at isang pulis ang patay sa Caloocan City.

Kinilala ang pulis na si PO1 Danil Roa na binaril ang kanyang dating girlfriend na wala pang pagkakakilanlan.

Naganap ang insidente sa isang apartment sa Barangay 22, Dagat-dagatan sa Caloocan City.

Batay sa inisyal na ulat, ang biktima ay isang teacher.

Unang napabalitang may hostage taking, pero pinabulaanan ito ng mga otoridad.

Pagkabaril ng pulis sa kanyang dating kasintahan ay nagbaril sa sarili ang suspek na ikinamatay nito.

Read more...