May bagong format na gagamitin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address sa Hulyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, lilimitahan na ng pangulo ang kanyang SONA sa mga gustong sabihin sa taong bayan.
Nais kasi aniya ng pangulo na magbigay ng ulat ukol sa mga usapin na malapit sa kanyang puso.
Partikular na aniya ang kanyang kampanya kontra sa korupsyon.
Ayon kay Roque, isasantabi muna ng pangulo ang pagpapabida sa kanyang mga achievement o ang kanyang mga nagawa sa pamahalaan.
Hindi kasi aniya maikakaila na walang tigil at walang kupas ang pangulo sa pagpupursigi na mawalis ang korupsyon sa gobyerno.
Matatandaang ilang cabinet members na ang nasipa ng pangulo dahil sa isyu ng korapsyon.
MOST READ
LATEST STORIES