Aniya, mas mahihikayat lang ang mga OFWs na magbalik-bansa kung malinaw na magkakaroon sila ng magandang oportunidad sa Pilipinas at may trabaho para sa kanila dito.
Sinabi pa ni Angara na kung hindi man magandang trabaho dapat ay tiyak na may pagkakakitaan sila dito.
Banggit pa ng senador sa ngayon. ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ay may P376 million para sa re-integration program sa mga OFWs at dapat ay dagdagan pa ito dahil maraming OFWs ang umuuwi mula sa Kuwait.
Una nang hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga OFWs sa Kuwait na umuwi na lang ng Pilipinas dahil sa gusot sa relasyon ng dalawang bansa.