Bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng three-man panel of experts na magsasasagawa ng imbestigasyon sa Dengvaxia controversy.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, pawang mga Asian ang tatlong mga eksperto at walang Westerner.
Ayon kay Roque, may hawak na listahan ang pangulo ng mga eksperto na galing aniya sa Cambodia, Singapore, Thailand at iba pang Asian countries.
Tiniyak ni Roque na pakikinggan ng pangulo ang magiging resulta ng gagawing imbestigasyon ng tatlong dayuhan.
Ayon kay Roque, walang koneksyon sa gobyerno ang tatlong eksperto at lalong walang dapat na koneksyon sa kompanyang Sanofi Pasteur na siyang gumawa ng Dengvaxia vaccine na ipinangturok sa may 800,000 bata kontra sa sakit na dengue.
Iginiit pa ni Roque na nais ng pangulo na magkaroon ng linaw sa Dengvaxia vaccine issue para makausad na ang bayan.
Kasabay nito suportado ng pangulo ang hirit na bumalangkas ng batas ang kongreso para magamit ang P1 bilyon na refund sa Sanofi Pasteur bilang pang tulong sa mga nabiktima ng Dengvaxia vaccine.