Pagbibitiw ni DOT Sec. Wanda Teo, kinumpirma na

INQUIRER FILE

Kinumpirma na ng kampo ni Department of Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na nagbitiw na siya sa pwesto.

Ayon sa kanyang abogado na si Ferdinand Topacio, bago pa man ang pagpupulong ng gabinete sa Malacañang kagabi, inabot na ni Teo ang kanyang resignation letter kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ipinahayag ni Topacio na hindi pinagbitiw sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Teo. Aniya, kusang ginawa ito ng dating kalihim matapos pag-isipang mabuti sa gitna ng mga kontrobersyang kanyang kinakaharap.

Iginiit ng kampo ni Teo na wala siyang ginawang pagkakamali, at dumaan sa legal na proseso ang lahat ng kanyang ginawa sa DOT.

Si Teo ay nahaharap sa kontrobersya kaugany ng P60 milyon advertisement placement ng DOT sa programang Kilos Pronto kung saan producer at host ang kapatid ng dating kalihim na si Ben Tulfo. /

 

Read more...