Teo, hindi pinagbibitiw sa pwesto ni Duterte

Hindi pinagbibitiw sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Tourism Wanda Tulfo-Teo.

Ipinahayag ito ng abogado ng kalihim na si Ferdinand Topacio sa gitna ng ulat na pinagre-resign na umano ni Duterte si Teo.

Ayon kay Topacio, kinumpirma ni Teo na nagkausap sila ng pangulo at walang kautusan si Duterte na magbitiw siya sa pwesto.

Si Teo ay nahaharap sa kontrobersya ngayon dahil paglalagay ng advertisements ng DOT sa programang Kilos Pronto kung saan
producer at host ang kapatid ni Teo na si Ben Tulfo.

Read more...