Hinikayat ni Senator Gringo Honasan ang administrasyong-Duterte na humingi na ng tulong sa US para pigilan ang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Honasan, makakaasa ang Pilipinas ng tulong sa Amerika dahil sa umiiral natin Mutual Defense Treaty (MDT), Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement
Sinabi ng senador, na siyang namumuno sa Senate Committee on National Defense and Security, nakasaad sa MDT ang pangako ng US na tulong kapag tayo ay sinasakop na ng ibang bansa.
Dagdag pa nito maari tayong magpatulong sa mga bansa na kasapi din ng ASEAN sa katuwiran na maapektuhan din ang mga ito kapag nalimitahan na ang galaw ng mga gamit-pandigma ng mga bansa sa rehiyon.
Giit pa ni Honasan na dapat ngayon pa lang ay kausapin na ang China para maayos na ang sitwasyon sa West Philippine Sea at hindi maging huli na ang lahat.