P600 milyon, nalugi sa Kalibo Int’l Airport mula nang isara ang Boracay

Umabot na sa P600 milyon ang nalugi sa Kalibo International Airport simula nang isara sa mga turista ang isla ng Boracay.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Aklan manager Efren Nagrama, bago ang pagsasara ng isla, aabot sa 31 ang international flights at 11 ang domestic flights sa paliparan kada araw.

Gayunman aniya, mula nang isailalim sa rehabilitasyon ang Boracay noong April 26, tatlo hanggang limang flights na lamang nao-operate sa paliparan.

Bunsod nito, ayon kay Nagrama, itinalaga ng CAAP sa ibang lugar ang ilan sa kanilang mga tauhan, partikular sa Iloilo City at Roxas City.

Dagdag ng opisyal, hinihintay na lamang ng CAAP ang kautusan ng Department of Transportation para umarangkada na ang pagpapaganda at pagpapalawak sa Kalibo International Airport habang sarado pa sa mga turista ang Boracay.

Read more...