Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tungkulin ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon na in aid of legislation para matukoy kung ano pa ang mga batas kinakailangang balangkasin para mabigyan ng seguridad ang Pilipinas.
Gayunman sinabi ni Roque, na maraming mga bagay ang dapat ikonsidera sa pagdinig ng Senado dahil matatalakay at mailalantad sa harap ng publiko ang usaping pangseguridad.
Ayon kay Roque, ilan dito ang mga usaping saklaw ng executive privilege at state secret na maituturing na maselan na isyu at hindi maaaring ilantad sa publiko.
Tiniyak naman ni Roque na hindi nila ipagkakait sa Senado na makapagsagawa ito ng pagsisiyasat dahil karapatan ito bilang co-equal branch.
Mas makabubuti anya na abangan na lamang kung ano ang magiging resulta ng gagawing imbestigasyon ng Senado