Dalawang lindol naitala sa Tarragona, Davao Oriental

PHIVOLCS

Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Tarragona sa lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.0 na lindol alas 6:33 ng umaga sa 59 kilometers South ng bayan ng Tarragona na may lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin.

Naitala naman ang ikalawang lindol alas 7:20 ng umaga na may magnitude 2.4 sa bayan pa rin ng Tarragona.

Ang epicenter ng ikalawang lindol ay sa 98 kilometers South ng nasabing bayan, may lalim ay 71 kilometers at tectonic din ang origin.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang magkasunod na lindol.

 

Read more...