Security inspector, arestado nang mahulihan ng baril sa sasakyan

Arestado ang isang inspector ng isang security agency matapos mahulihan ng shotgun sa loob ng minamabeho nitong sasakyan sa IBP Road sa Barangay Batasan, Quezon City.

Nabisto ang baril sa loob ng sasakyan matapos magsagawa ng operation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga taxi na iligal na nakaparada.

Kinilala ang suspek na si Enriqueto Flores ng Safeforce Security Investments Investigation Agency.

Ayon naman sa suspek, hindi niya alam na may baril sa minamaneho niyang Mirage na kulay gray.

Binigyan naman ng 24 oras ng Quezon City Police District Station 6 ang suspek para maglabas ng dokomento, kung hindi makakapaglabas mahaharap si Flores sa paglabag sa gun ban na umiiral ngayon dahil sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...