Armadong lalaki na pinaputukan ang mga pulis, patay sa engkwentro sa Batangas

Google Maps

Patay sa engkwentro ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Ibaan, Batangas.

Ayon sa Batangas police, nakatanggap sila ng ulat na namataan ang isang armadong lalaki sakay ng motorsiklo sa Barangay Sto. Niño.

Agad namang rumesponde ang pulisya at naglatag ng checkpoint.

Dakong alas-9:10 kagabi, nilapitan ng mga pulis ang hinihinalang suspek, pero tumakas ito at pinaputukan ang mga pulis.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga otoridad na ikinasugat ng suspek.

Itinakbo sa ospital ang suspek pero wala na itong buhay nang dumating doon.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na nakaitim na sumbrero, short at puting t-shirt.

 

Read more...